Dadaanin Ko Na Lang Sa Kanta

Ang buhay ay laging may lungkot at saya
Ganyan ngang talaga
Kung bakit kakambal lagi
Ang problema sa tuwina
At kung ikaw naman ay magmumukmok
Dadami lamang ang mga kulubot
Tatanda ka't puputi ang iyong buhok

Ang awit at himig na 'yong naririnig ay nagpapasaya
Sa pusong nalulungkot at laging mayroong problema
'Di lahat ng araw ay kabiguan
Bukas ang ngiti nama'y makakamtan
Heto lamang ang naiisip kong paraan

Dadaanin ko na lang sa kanta
Dadaanin ko na lang sa tawa
Ang lahat pati na ang problema
Bawat gagawin ay bigyan mo ng ngiti
Kahit pa ito ay sadyang sasandali
Sumabay sa kanta
Sama sama tayo ay magsaya

Ang awit at himig na 'yong naririnig ay nagpapasaya
Sa pusong nalulungkot at laging mayroong problema
'Di lahat ng araw ay kabiguan
Bukas ang ngiti nama'y makakamtan
Heto lamang ang naiisip kong paraan

Dadaanin ko na lang sa kanta
Dadaanin ko na lang sa tawa
Ang lahat pati na ang problema
Bawat gagawin ay bigyan mo ng ngiti
Kahit pa ito ay sadyang sasandali
Sumabay sa kanta

Dadaanin ko na lang sa kanta
Dadaanin ko na lang sa tawa
Ang lahat pati na ang problema
Bawat gagawin ay bigyan mo ng ngiti
Kahit pa ito ay sadyang sasandali
Sumabay sa kanta
Sama sama tayo ay magsaya

Magsaya

Músicas más populares de Esang De Torres

Otros artistas de Stage musical