Sapagkat Ang Diyos Ay Pag-Ibig

Pag-ibig ang siyang pumukaw
Sa ating puso't kaluluwa
At siyang nagdulot sa ating buhay
Liwanag sa dilim at pag-asa

Pag-ibig ang siyang buklod natin
Di mapapawi kailan pa man
Sa puso't diwa tayo'y isa lamang
Kahit na tayo'y magkawalay

Pagka't ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig
Magmahalan tayo't magtulungan
At kung tayo'y bigo ay h'wag limutin
Na may Diyos tayong nagmamahal

Sikapin sa ating pagtungo
Ipamalita sa buong mundo
Pag-ibig ng Diyos na siyang sumakop sa
Bawa't pusong uhaw sa pagsuyo

Pagka't ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig
Magmahalan tayo't magtulungan
At kung tayo'y bigo ay h'wag limutin
Na may Diyos tayong nagmamahal oh

Pagka't ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig
Magmahalan tayo't magtulungan
At kung tayo'y bigo ay h'wag limutin
Na may Diyos tayong nagmamahal

Diyos ay pag-ibig

Músicas más populares de Erik Santos

Otros artistas de Middle of the Road (MOR)