Pangarap Na Ikaw
Sabi nila kay tagal kong nangarap
Makilala ang siyang magbibigay saya
Sa puso kong bigo sa buhay kong malabo
Ngayon ako'y napagbigyan
Isang nilalang na magsisilbing tahanan
Ang tunay kong kapalaran
Sagot sa aking dasal ang aking mahal
Pangarap na ikaw sa araw-araw ay matanaw
Pangarap na ikaw nagsisilbing tanglaw
Wala nang ako lahat ngayo'y pana'y tayo
Ang salitang ikaw ngayo'y abot tanaw
Ngayon ako na ay iyo
Asahan pagibig ko ay hindi magbabago
Kailanman ay totoo
Ang ikaw na panaginip isa nang katotohanan
Pangarap na ikaw sa araw-araw ay matanaw
Pangarap na ikaw nagsisilbing tanglaw
Sa ating pagharap sa bukas na pangarap
Kalungkuta'y nagwakas sa pagibig na wagas
Pangarap na ikaw sa araw-araw ay matanaw
Pangarap na ikaw nagsisilbing tanglaw
Pangarap na ikaw habambuhay kong mahal