Gaya Ng Dati

Oh
Dati-rati
Laman ng puso mo ay ang pangalan ko
Lagi ako sa isip mo
Dati-rati
Inaawitan pa labi ay may ngiti
Mga mata'y nagniningning
Ngunit ngayon nagbago ka
Sigla't tamis ng 'yong pagsinta
Pagmamahal ko ba'y kailangan pa

Di ba't noon
Samyo ng bulaklak at ihip ng hangin ay kapansin-pansin
Di ba't noon takbo ng oras ay di mo napapansin
Laging naglalambing
Ngunit ngayon naglaho na
Sigla't tamis ng iyong pagsinta
Pagmamahal ko ba'y kailangan pa

Dati-rati
Mga pangako ko'y kandungan mo't lakas sa pagsubok ay kay tatag
Di ba't noon sa kaibigan mo'y ako'y bukang bibig bakit ngayo'y anong lamig
'Di mo alam ako'y nasasaktan sa 'di pag pansin sa'king pagmamahal
Lumapit ka't ako'y naghihintay naghihintay oh

Ako'y nasasaktan
Sa di pagpansin sa aking pagmamahal
Lumapit ka't ako'y naghihintay

Di mo alam ako'y nasasaktan
Sa di pagpansin sa aking pagmamahal
Lumapit ka't ako'y naghihintay

Panginoon
Ako'y nabulag ng mandarayang mundo
Ako ay patawarin mo
Mula ngayon ang buhay kong ito'y
Iaalay sa iyo gamitin mo ako

Gaya ng dati
Gaya ng dati
Gaya ng dati

Músicas más populares de Erik Santos

Otros artistas de Middle of the Road (MOR)