Pa'no Kaya

Walang silbi ang buhay kung di rin lang ikaw
Sana'y laging kapiling sa gabi at araw
Pag-ibig ko para sayo'y hindi magbabago
Tangi ko lang hiling maging tapat ang puso mo

Pa'no kaya kapag ika'y wala
Pa'no ang sandaling di ka kasama
Para akong maluluha di magawang puso ay magtampo
Walang ibang iniibig ang puso
Ikaw lamang mahal mo ba ako

Lumipas man ang oras sana'y ikaw pa rin
At di mababawasan ang 'yong paglalambing
Dating na simula'y hinding hindi magwawakas
Pag-ibig ko sa'yo'y walang kasing wagas

Pa'no kaya kapag ika'y wala
Pa'no ang sandaling di ka kasama
Para akong maluluha di magawang puso ay magtampo
Walang ibang iniibig ang puso
Ikaw lamang mahal mo ba ako

Di magawang puso ay magtampo
Walang ibang iniibig ang puso
Ikaw lamang mahal mo ba ako

Pa'no kaya kapag ika'y wala
Pa'no ang sandaling di ka kasama
Para akong maluluha
Di magawang puso ay magtampo
Walang ibang iniibig ang puso
Ikaw lamang mahal mo ba ako
Ikaw lamang mahal mo ba ako oh

Músicas más populares de Ella May Saison

Otros artistas de Middle of the Road (MOR)