Nawawasak

John Ernest Rosita

Halos sumabog na ang ulo sa pag-iisip ng halos lahat
May tanong palagi sa dulo na "kailan nga ba 'to sasapat?"
Laging iniisip ang mga sasabihin nila
Kung 'yan ang tingin niyo sa akin ay di na ikakaila dahil para sa'n pa?

Bawat tingin mo, ako'y nahihilo
Nararamdaman ang sakit at pait ng mundo
Pag tama sa sentido
Bawat tingin mo, ako'y nahihilo
Nararamdaman ang sakit at pait ng mundo
Pag tama sa sentido

Hawak ang larawan ng pag-asa
Habang dahan dahang nawawasak
Sa'king mga kamay, 'di mapalagay
Sa'yong mga kamay, 'di maka-galaw

Silang mga nakamasid sa dilim na parang gusto na akong sunduin ay
Pinaunlakan sa piging, sinalubong pa ang pagdating
Kinausap ko nang masinsinan, wala silang ibang hiling
Kundi ang sila'y mahalin, subalit para yatang ang hirap gawin

Bawat tingin mo, ako'y nahihilo
Nararamdaman ang sakit at pait ng mundo
Pag tama sa sentido
Bawat tingin mo, ako'y nahihilo
Nararamdaman ang sakit at pait ng mundo
Pag tama sa sentido

Hawak ang larawan ng pag-asa
Habang dahan dahang nawawasak
Sa'king mga kamay, 'di mapalagay
Sa'yong mga kamay, 'di maka-galaw

May mga gabing hindi mo ako pinapatulog
Gising akong binabangungot
Tila mag-isa na lamang sa sulok
At sa apoy mo'y nasusunog

Kasalanan bang
Dumating sa hangganan
Ang lahat ng kailangan ay binigay naman ang inakalang liwanag na sa iba ko matatamo
Tila pangakong binitawan na walang makasasalo
Ngayon ako, naririto

Hawak ang larawan ng pag-asa
Habang dahan dahang nawawasak
Sa'king mga kamay, 'di mapalagay
Sa'yong mga kamay, 'di maka-galaw

Curiosidades sobre la música Nawawasak del EJ

¿Quién compuso la canción “Nawawasak” de EJ?
La canción “Nawawasak” de EJ fue compuesta por John Ernest Rosita.

Músicas más populares de EJ

Otros artistas de Contemporary R&B