Humihiling
Alam kong takot ka pang magmahal
Pagkatapos maghintay nang kay tagal
Sa isang pag-ibig na wagas at tunay
Lagi ka na lang nalulumbay
Narito ako't humihiling inaawit ang aking damdamin
Handang ibigin ka ng tunay at tapat
Huwag ka nang mangamba aking sinta
Humihiling ako't sumasamo
Buksan mo na muli ang iyong puso
Humihiling naghihintay sa'yo
Handa ng magmahal ng tunay at tapat sa'yo giliw ko
Bakit ba pilit mo na isinara
Ang pintuan ng iyong puso dahil sa labis mong kalungkutan
At sakit ng iyong kalooban
Narito ako't humihiling sana akoy iyong papasukin
Sa iyong puso at sa iyong buhay
O giliw huwag ka nang malumbay
Humihiling ako't sumasamo
Buksan mo na muli ang iyong puso
Humihiling naghihintay sa'yo
Handa ng magmahal ng tunay at tapat sa'yo
Humihiling ako't sumasamo
Buksan mo na muli ang iyong puso
Humihiling naghihintay sa'yo
Handa ng magmahal ng tunay at tapat sa'yo giliw ko
Oh oh