Umaaraw, Umuulan

Hindi mo maintindihan
Kung ba't ikaw ang napapagtripan
Nang halik ng kamalasan

Ginapang mong marahan ang hagdanan
Para lamang makidlatan
Sa kaitaas-taasan ngunit

Kaibigan
'Wag kang magpapasindak
Kaibigan
Easy lang sa iyak

Dahil wala ring mangyayari
Tayo'y walang mapapala
Wag mong pigilan ang pagbuhos ng ulan

May panahon para maging hari
May panahon para madapa
Dahil ang buhay natin ay sadyang ganyan

Umaaraw umuulan
Umaaraw umuulan
Ang buhay ay sadyang ganyan

'Wag kang maawa sa iyong sarili
Isipin na wala ka nang silbi
'Sang dambuhalang kalokohan
Bukas sisikat ding muli ang araw
Ngunit para lang sa may tiyagang
Maghintay

Kaya't kaibigan
'Wag kang magpapatalo
Kaibigan
Itaas ang noo

Dahil wala ring mangyayari
Tayo walang mapapala
'Wag mong pigilan ang pagbuhos ng ulan

May panahon para maging hari
May panahon para madapa
Dahil ang buhay natin ay sadyang ganyan

Umaaraw umuulan
Umaaraw umuulan
Ang buhay ay sadyang ganyan
Umaaraw oh umuulan

Ang buhay ay sadyang ganyan
Umaaraw umuulan
Ang buhay ay sadyang ganyan
Umuulan (umaaraw umuulan)
Ang buhay ay sadyang ganyan
Umaaraw umuulan

Músicas más populares de December Avenue

Otros artistas de Pop rock