Tanging Hiling

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako'y tatanungin sasambitin ikaw lang ang aking hiling

Alam ko na naman alam na malayo tayo sa isa't isa
Pero kahit na ganun alam mo naman na minamahal kita (minamahal kita)
Kahit na malayo ang ating agwat o kahit na meron tayong pagitan
At least tunay na pagibig naman na sa atin dalawa ay namamagitan

Kahit merong kahirapan at hindi nga kita nakakasama
Ikaw lamang ang tanging babae na sa akin ay nag papaligaya
Dati rati walang sigla pero ngayon ako ay biglang nag iba
Buhay ko'y nagkadireksyon tumuwid nawala ako sa landas na masama

Maraming salamat sa 'yo sa mga hinatid mo na kasiyahan
Sa 'king buhay na nilagyan mo nga ng ngiti at ng kaligayahan
Na ikaw lamang ang syang na sa 'kin bukod tanging nakapagbigay
Sa pag-iibigan nating tunay para sakin ay wala ng makakapantay

Sana naman ay matupad ang aking hinihiling
Na makasama ka na balang araw ay lagi ko ng pinapanalangin
Dinadalangin ko na sana'y marinig ng may kapal
Ang akin dasal upang sa wakas ay makasama ko na ang aking mahal

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako'y tatanungin sasambitin ikaw lang ang aking hiling

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako'y tatanungin sasambitin ikaw lang ang aking hiling

Sa tuwing ako ay gigising sa umaga ang hinahanap ko kagad ay ikaw
Pangalan mo'y aking sinisigaw sana'y malinaw mong matanaw na
Buong puso kong binibigay ang pagmamahal ko na sayo ko lamang naramdaman
Susugurin kahit na malakas ang ulan para nang kahit papano makasama ka naman

Haay naku sana ay mabigyan mo naman ang gaya ko ng kahit kunting pagtingin
Hindi pera o bayong ang kailangan ko pagkat ikaw lang ang tangi kong hinihiling
Sa maykapal at sana bigyan ako ng kapal ng muka para naman na masabi ko na sayo
Ang lahat ng mga bagay na nangyari at naiba simula ng dumating ka sa buhay ko

Dati rati kasi ako'y parang gulay na hindi mabenta at nalalanta
Pag nakikita ka di na makapasalita't at biglaang natataranta
Uh sana di ako masalanta pagkat napakalakas ng dating mo parang bagyo
Ako'y natangay ng kislap ng yong matang parang mga talang bumagsak sa mundo

Kaya sa pc ko nakasave na lahat ng iyong larawan na nagsisilbing
Kasiyahan at bumubuo ng araw ko para ko'y makatulog ng mahimbing
Tanging hiling ko sana ako'y bigyan ng kahit kunting pagkakataon
Gusto kong malaman mong mamahalin kita malayo man ang ating destinasyon

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako'y tatanungin sasambitin ikaw lang ang aking hiling

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako'y tatanungin sasambitin ikaw lang ang aking hiling

Alam ko na malayo na magustuhan mo ang tulad ko
Pero sa oras na kailangan mo nandito lang ako para lamang sa iyo
Sana'y malaman mo na ikaw lamang ang nag-iisa
Ikaw ang tanging pangarap ko minamahal kita

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako'y tatanungin sasambitin ikaw lang ang aking hiling

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako'y tatanungin sasambitin ikaw lang ang aking hiling

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako'y tatanungin sasambitin ikaw lang ang aking hiling

Músicas más populares de Curse One

Otros artistas de Asiatic music