MUSE

Jordan Gregori

Kanina pa nahuli mga titig mo
Tila sadya tayong pinagtatagpo
Bigla bigla ko lang ito napagtanto
Baka sakaling ako din ang kailangan mo

Sa isang sulyap mo ay nalaman
Ikaw yung tipong 'di ko kayang iwasan
Mahirap, ang hirap mang bitawan
Ang mga salitang di aalagaan

Siguro'y di kong kayang ganto
Sawa na din kasi akong mabigo
Sa iba'y anong laban ko
Basta handa kong patunayan ito

Hindi na para huminto
Ikaw lang din nais makatagpo
Sayo lang ang pag ibig ko
Di kakayanin 'kay wala sa mundo

Ikaw ay nananaig ang 'yong mga mata ay talagang pambihira
Kahit pa mapansin mga nakaw tingin
Nais magpahiwatig, kaba ko'y nangunguna

Pano nga ba sasabihin na
Parating nasa panaginip ka
Mga ngiti mong nakaimprenta
Sa pagpikit ikaw ang nakikita

Di mo na din mapipigil pa
Mga damdamin nagiinit na
Naitala na di magiisa
Tayong dalawa'y itinakda

Hindi na para huminto
Ikaw lang din nais makatagpo
Sayo lang ang pag ibig ko
Di kakayanin 'kay wala sa mundo

Hindi na para huminto
Ikaw lang din nais makatagpo
Sayo lang ang pag ibig ko
Di kakayanin 'kay wala sa mundo

Sa isang sulyap mo ay nalaman
Ikaw yung tipong 'di ko kayang iwasan
Mahirap, ang hirap mang bitawan
Ang mga salitang di aalagaan

Músicas más populares de Colt

Otros artistas de French rap