Imahe

Sabay sabay ang problema sa mundo
Nakakaloko paulit ulit ka nalang na ginagago

Ano ba to bakit gan’to ang nangyayari tuluyan na sinira ang sarili
Nakakapagod na sa buhay na ito nakakasawa na bakit ganyan bakit ganto

Umaalis lang ako saglit dahil takot ako maiwan
Ang gusto ko lang naman ako'y iyong pasan

Eh sa buhay na ito bakit gusto mo na manalo
Eh panay ka naman paninira sa ibang tao
Hindi mo na ba makita ang ganda ng mundo
Mga kaibigan na andiyan hanggang sa dulo

Nagpakabulag ka ng kay tagal mga sumpaan natin na hindi rin nag tagal
Mga mata mo na gumapos sa aking leeg
Tuloy tuloy na mamanhid ang aking bibig
Sa sigarilyo na unting unting nawawala ka
Mga demonyo saking isipan ay tumatawa
Dahil wala ka
Dahil wala ka

Laging atras abante nakakalito laging inuuwa nalang ang mga mali mo
Sa tuwing ako'y nag iisa bumabalik ang
Alala mga naiwan na bakas sa akin ay nandito pa
Hinanap kita at na kita kita napansin ko nalang na mayroong umaagos na
Mga luha saking mga mata ng biglang
Ka niyang yakapin at ikay tuwang tuwa

At sa punto na ito ay babalik sa umpisa
Na kung saan may ako at doon wala ka
At tatakbo nalang
Hanggang tuluyan na ako’y mapagod
Hanggang sa mahanap ko na ang pinto na papalayo sa
Madilim na nakaraan bagay na ayaw ko nang balikan nung ako’y baliw pa
Sa binuo natin na isang maligayang
Istorya na nasunog lang ng panahon di ba

Sanay makita kita dun sa dating tagpuan
Nang mahagkan kita mayakap lang kahit lumisan
Totoo nga pala na tayong dalaway tuluyan nang naging bula na naging bula na

Músicas más populares de Calvin De Leon

Otros artistas de Contemporary R&B