Pasan

LEMUEL M BELARO

Naglalakbay sa gitna ng dalampasigan
Pinagmasdan ang alon na
Humahampas sa nakaraan

Umihip ang hangin
Sa langit ako'y napatingin
Ulap ay sadyang kay dilim
Tila yata may bagyong parating

Bakit ka lumuluha
Bakit nagtataka
Akala mo ba ika'y iniwan na

Hindi pasan kita
Hindi mo ba nakikita
Hindi ka na sa akin ay luluha pa

Nasan na ang tapang at
Lakas ng 'yong loob
Ngayo'y karuwagan na lang ba
Ang iyong sagot

Umihip ang hangin
Sa langit ako'y napatingin
Ulap ay sadyang kay dilim
Tila yata may bagyong parating

Bakit ka lumuluha
Bakit nagtataka
Akala mo ba ika'y iniwan na

Hindi pasan kita
Hindi mo ba nakikita
Hindi ka na sa akin ay luluha pa

Hindi ko naman hangad
Ang anumang bagay sa mundo
Ang tanging hinihiling ko lamang
Ay yakapin mo

At ngayon pasan kita
Ngayon mo na makikita
Hindi ka na sa akin ay luluha pa

Ngayon pasan kita
Ngayon mo na makikita
Hindi ka na sa akin ay luluha pa

Curiosidades sobre la música Pasan del Callalily

¿Cuándo fue lanzada la canción “Pasan” por Callalily?
La canción Pasan fue lanzada en 2006, en el álbum “Destination Xyz”.
¿Quién compuso la canción “Pasan” de Callalily?
La canción “Pasan” de Callalily fue compuesta por LEMUEL M BELARO.

Músicas más populares de Callalily

Otros artistas de Middle of the Road (MOR)