Pinakamagandang Tanawin

DINO VINCENT PAUL A CONCEPCION

Narating ko na ang malayong gubat
Nasisid ko na ang iba't ibang dagat
At nasilip ko na ang bukang liwayway
Taob silang lahat sa iyong ngiti
Sa iyong mga mata
Sa yumi mo irog ko

Kahit mabighani sa mga nakikita
Kahit san mapunta at akitin ng iba
Walang makakadaig sayo talaga
Dahil para sa akin
Ikaw pa rin
Ang pinakamagandang tanawin

Napanood ko na ang paglubog ng araw
Nakabisado ko na ang iba't ibang itsura
Ng buwan at mga tala sa langit
Laos pa rin sila sa iyong ngiti
Sa iyong mga mata
Sa yumi mo irog ko

Kahit mabighani sa mga nakikita
Kahit san mapunta at akitin ng iba
Walang makakadaig sayo talaga
Dahil para sa akin
Ikaw pa rin
Ang pinakamagandang tanawin woh
Pinakamagandang tanawin

Kahit mabighani sa mga nakikita
Kahit san mapunta at akitin ng iba
Walang makakadaig sayo talaga
Dahil para sa akin
Ikaw pa rin
Ang pinakamagandang tanawin woh
Pinakamagandang tanawin yeah
Pinakamagandang tanawin (kahit san)
Pinakamagandang tanawin (kahit san)

Curiosidades sobre la música Pinakamagandang Tanawin del Brownman Revival

¿En qué álbumes fue lanzada la canción “Pinakamagandang Tanawin” por Brownman Revival?
Brownman Revival lanzó la canción en los álbumes “Eto Pa” en 2010 y “Eto Pa! - EP” en 2010.
¿Quién compuso la canción “Pinakamagandang Tanawin” de Brownman Revival?
La canción “Pinakamagandang Tanawin” de Brownman Revival fue compuesta por DINO VINCENT PAUL A CONCEPCION.

Músicas más populares de Brownman Revival

Otros artistas de Asiatic music