Gabundok Man
Hindi maiwasan ang buhay sa mundo
Na gumagapang dahil sa pagsubok
'Di maiwasang mangamba hanggang sa luha'y pumatak
Umiiyak nanginginig at natatakot (paraparap pa)
Hindi malaman ang gagawin kaba ay nangunguna
Minsa'y nawawalan tayo bigla ng pag-asa
Ngunit ang Panginoon ay naghihintay lamang
Na ikaw ay lilingon at tatawag
Gabundok man ang pagsubok sa buhay
Hindi dapat huminto sa paglalakbay
Dios ay nariyan at kailanman 'di tayo iiwan
Paglingap niya ay wagas para sa lahat
Minsan ang suliranin ay katulad ng bagyo
Halos 'di mapigilan ang pagragasa nito
Subalit maghintay lang ulan ay titila
At ang araw ay sisikat dala ay biyaya
Gabundok man ang pagsubok sa buhay
Hindi dapat huminto sa paglalakbay
Dios ay nariyan at kailanman 'di tayo iiwan
Paglingap niya ay wagas
Magtiwala lang sa ating Maykapal
Hindi dapat tayo panghinaan
Bawat pangangailangan ay nakikita Niya
May Dios tayo na nariyan at tutulong
At tutulong
Gabundok man ang pagsubok sa buhay
Hindi dapat huminto sa paglalakbay
Dios ay nariyan at kailanman 'di tayo iiwan
Paglingap niya ay wagas para sa lahat
Gabundok man ang pagsubok sa buhay (gabundok man ang pagsubok)
Gabundok man ang problema (hindi dapat huminto sa paglalakbay)
Dios ay nariyan at kailanman 'di tayo iiwan
Paglingap niya ay wagas para sa lahat