Sa Iba Na Lang

Saan ba magsisimula
Di ko alam kung paano sasabihin sa 'yo na hindi ko kayang
Masuklian ang alay mong pag-ibig

Hindi naman ikaw ang dahilan
Hindi rin naman ikaw ang may mali
Ito'y para sa 'king sarili
Ang puso ko kasi ngayo'y sawi
Gusto ko lang naman ako'y mabuo ulit

Sa iba mo na lang
Ialay ang iyong buhay
Sa iba mo na lang
Ibigay ang iyong puso
Sa iba mo na lang
Paikutin ang iyong mundo
Huwag mo nang ibaling sa akin ang iyong pagtingin
Huwag mo na rin ipilit ang iyong damdamin
Sa iba na lang

Ang tulad ko'y di dapat sa tulad mo
Hindi ko kayang ibigay ang lahat sa 'yo
Pag-ibig ko'y di sasapat sa puso mo na kay tapat
Kaya't mabuti pang umiwas na lang at lumayo

Sa iba mo na lang
Ialay ang iyong buhay
Sa iba mo na lang
Ibigay ang iyong puso
Sa iba mo na lang
Paikutin ang iyong mundo
Huwag mo nang ibaling sa akin ang iyong pagtingin
Huwag mo na rin ipilit ang iyong damdamin
Sa iba na lang

Huwag mo nang isiping maghintay kasi pilit lang ang mibibigay
Hayaan mo na lang muna akong mag-isa

Sa iba oh sa iba mo na lang
Ialay ang iyong buhay
Sa iba mo na lang
Ibigay ang iyong puso
Sa iba mo na lang
Paikutin ang iyong mundo
Huwag mo nang ibaling sa akin ang iyong pagtingin
Huwag mo na rin ipilit ang iyong damdamin

Oh sa iba mo na lang
Ialay ang iyong buhay
Sa iba mo na lang
Ibigay ang iyong puso

Sa iba na lang
Sa iba na lang

Músicas más populares de Bou

Otros artistas de Drum'n'Bass