Tuloy Na Tuloy Pa Rin Ang Pasko

Ho bakit kaya tuwing pasko ay dumarating na ang bawat isa'y para bang namomroblema
Di mo alam ang regalong ibibigay ngayong kay hirap na nitong ating buhay

Meron pa kayang karoling at noche buena kung tayo naman ay kapos at wala nang pera
Nakakahiya kung muling pagtaguan mo ang 'yong mga inaanak sa araw ng pasko

Ngunit kahit na anong mangyari ang pag-ibig sana'y mag-hari
Sapat na'ng si Hesus ang kasama mo tuloy na tuloy pa rin ang pasko

Mabuti pa nga ang pasko nuong isang taon sa ating hapag mayroong keso de bola't hamon
Baka sa gipit happy new year mapo-postpone at ang hamon ay mauuwi sa bagoong

Ngunit kahit na anong mangyari ang pag-ibig sana'y mag-hari
Sapat na'ng si Hesus ang kasama mo tuloy na tuloy pa rin ang pasko

Ngunit kahit na anong mangyari ang pag-ibig sana'y mag-hari
Sapat na'ng si Hesus ang kasama mo tuloy na tuloy pa rin ang pasko

Tuloy na tuloy pa rin tuloy na tuloy pa rin (tuloy na tuloy pa rin tuloy na tuloy pa rin)
Tuloy na tuloy pa rin ang pasko

Músicas más populares de Ben&Ben

Otros artistas de Pop rock