Pangarap Ko'y Ikaw
Nasaan ang langit
Nang ika'y lumayo
Pag mulat ko'y wala ka
Pati ang nadama
Nasaan ang araw
At liwanag ng buwan
Ngayo'y isang pangarap
'Pagkat lumisan ka
Nasan ang ligaya
Na nagbigay pagasa
At ningning sa buhay ko
Sinta
Larawan mo
Ang hanap ko
Unti unti naglalaho
Di ko na mapigil
Ang hirap ng damdamin
Puso ko'y namamanglaw hirang
Masdan mo't isipin
Sandaling kay tamis
Ito'y kahapon lamang
Ngayo'y pumanaw na
Yan ang yong tanging alaala
Sa king diwa'y
Laging kasama
Pagka't pangarap ko'y
Ikaw