Ngayon

George Canseco

Ah oh

Ngayon ang simula ng hiram mong buhay
Ngayon ang daigdig mo'y bata at makulay
Ngayon gugulin mo nang tam'at mahusay
Bawat saglit at sandali
Magsikap ka't magpunyagi
Maging aral bawat mali

Ngayon bago ito ay maging kahapon (kahapon)
Ang pagkakataon sana'y huwag itapon (oh)
Ikaw tulad ko rin ay may dapithapon
Baka ika'y mapalingon
Sa nagdaang bawat ngayon
Nasayang lang na panahon

Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang (ituring mong kahapo'y waring panaginip lang)
Ang bukas pangitain n'yang ganda'y sa isip lang (ah ganda'y sa isip lang)
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang (ah)
Kayganda ng buhay ngayon (kayganda ng buhay ngayon)

Sa buhay mong hiram (sa buhay mo)
Mahigpit man ang kapit (kapit)
May bukas na sa yo'y di na rin sasapit (oh)
Ngunit kung bawat ngayo'y dakila mong nagamit
Masasabi mong kahit na
Ang bukas di sumapit pa
Ang naabot mo'y langit na

Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang (ituring mong kahapo'y waring panaginip lang)
Ang bukas pangitain n'yang ganda'y sa isip lang (ah ganda'y sa isip lang)
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang (ah)
Kayganda ng buhay (kayganda ng buhay)
Bukas mo'y matibay (bukas mo'y matibay)
Dahil ang sandiga'y ngayon (dahil ang sandiga'y ngayon)

Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang (ituring mong kahapo'y waring panaginip lang)
Ang bukas pangitain n'yang ganda'y sa isip lang (ah n'yang ganda'y sa isip lang)
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay sulit lang (ah)
Kayganda ng buhay (kayganda ng buhay)
Bukas mo'y matibay (bukas mo'y matibay)
Dahil ang sandiga'y ngayon (dahil ang sandiga'y ngayon)

Curiosidades sobre la música Ngayon del Basil Valdez

¿En qué álbumes fue lanzada la canción “Ngayon” por Basil Valdez?
Basil Valdez lanzó la canción en los álbumes “Hindi Kita Malilimutan” en 1994 y “The Best of Basil” en 2010.
¿Quién compuso la canción “Ngayon” de Basil Valdez?
La canción “Ngayon” de Basil Valdez fue compuesta por George Canseco.

Músicas más populares de Basil Valdez

Otros artistas de Asian pop