Sana Araw-Araw Ay Pasko

Bakit sa tuwing Pasko lamang mayroong saya
Sa tuwing Pasko lamang nagkakasama
Pagkatapos ng Pasko ay limot na
Ang pag-ibig na inalay sa isa't isa
Sana kahit hindi Pasko
Himig na inaawit ay iisa
Mahirap man o mayaman ka

Sana araw-araw ay Pasko
Araw-araw ay mayroong pag-ibig
Sa bawat puso
Sana araw-araw ay Pasko
Nang maglaho ang gulo
At maghari ang katahimikan
Sa ating mundo oh

Bakit sa t'wing Pasko lamang nagbibigayan
Damdamin ay dapat na laging buksan
`Di naman mahirap ang magmahal
Pagpapalain ka pa nga ng Maykapal
Sana kahit hindi Pasko
Ang pintig ng puso'y `di magbabago
Ang mahalaga'y pagmamahal mo

Sana araw-araw ay Pasko
Araw-araw ay mayroong pag-ibig
Sa bawat puso
Sana araw-araw ay Pasko
Nang maglaho ang gulo
At maghari ang katahimikan
Sa ating mundo oh

Sana araw-araw ay Pasko
Araw-araw ay mayroong pag-ibig
Sa bawat puso
Sana araw-araw ay Pasko
Sana araw-araw ay Pasko

Curiosidades sobre la música Sana Araw-Araw Ay Pasko del Ariel Rivera

¿Cuándo fue lanzada la canción “Sana Araw-Araw Ay Pasko” por Ariel Rivera?
La canción Sana Araw-Araw Ay Pasko fue lanzada en 1998, en el álbum “Paskong Walang Katulad”.

Músicas más populares de Ariel Rivera

Otros artistas de Pinoy pop