Baliktad
[Verse 1]
O, aking sinta
Naaalala mo pa ba dating gawi?
'Di mapakali
Nagmimistulang nakabiting patiwarik
[Chorus]
Ngunit ngayong ika'y nasa 'king tabi
Naglalaho'ng lahat ng guni-guni
At alam ko na bawat isang minimithi
Makakamit, unti-unti
Sa 'yong tabi
Ahhhh
Ahhhh
Ohhhh
[Verse 2]
O, aking sinta
Pansin mo ba tila mundo'y bumaliktad?
Hindi maikubli
Nadaramang galak sa bawat halik
[Chorus]
'Pagkat ngayong ika'y nasa 'king tabi
Naglalaho'ng lahat ng guni-guni
At alam ko na bawat isang minimithi
Makakamit, unti-unti
Sa 'yong tabi
Ahhhh
Ahhhh
Ohhhh