Nadarama

Jomuel John Casem, Angelo Luigi Timog, Clien Kennedy Alcazar, Rocel Dela Fuente, In Bloom

Sa isang tingin pa lang
Alam ko na ngang
Sa atin merong kakaibang pag-ibig
Ikaw ang dahilan ng mga hilig

Kaya ah ah ah
Sa ‘yo lang ‘to palagi
Maniwala ka man sa ’kin o hindi
‘Di na mawawala
‘Wag kang magtataka
Kung bakit ikaw ang palagi kong hinahanap

Sa tuwing ako’y nalulungkot
Ikaw lang ang gamot
Walang ibang makasagot
Ng mga panalangin ko, wohh oh hoh

Kasi sa dami naman ay tayong dalawa
Ang nagkakilala at ang nadarama
Ako’t ikaw ay tugma
At para sa ’kin wala nang hahanapin
Hanggang sa ’king huling hininga

Pangakong andito lang, andito lang
Aalagaan kita
Pangakong andito lang, andito lang
Aalagaan kita

Hindi mauubos ang pag-uusapan (usapan)
Para pa ring (para pa ring) nung una kitang niligawan (ligawan)
Ikaw ang muling (ikaw ang muling) nagpakita
Sa ‘king ‘di kathang-isip lang
Posible pala (posible pala) na sa tamang tao mapunta

Ikaw ang nagpatunay na meron
At ‘di lang sa unang impresyon
Nakita ko ‘yon

Kasi sa dami naman ay tayong dalawa
Ang nagkakilala at ang nadarama
Ako’t ikaw ay tugma
At para sa ’kin wala nang hahanapin
Hanggang sa ’king huling hininga

Pangakong andito lang, andito lang
Aalagaan kita
Pangakong andito lang, andito lang
Aalagaan kita

At sa wakas natupad ang pinapangarap
‘Di na ‘ko hahanap ng iba, isa ka lang sa mundo
Madami ‘man tayong pagdaanan
Pangakong ‘paglalaban ka
Dahil nand’yan kahit magulo

Ikaw ang laging nagbibigay sa ’kin ng gana
Sa tuwing hindi na kinakaya
Salamat palagi’t naging bahagi ka’t
‘Di ka sa ‘kin nagsawa

Hindi hinayaan na malubog
Sa pagmamahal mo ako’y nabusog
Ang kwento nating dalawa kung ipapabuod
Walang hanggan ipapasunod

Tinadhana tayo at pinagtagpo
Nang hindi natin inasahan (hindi natin inasahan)
Pinagpala niya ‘ko ng katulad mo
Nang hindi ko man inakala (hindi ko man inakala)

Kasi sa dami naman ay tayong dalawa
Ang nagkakilala at ang nadarama
Ako’t ikaw ay tugma
At para sa ’kin wala nang hahanapin
Hanggang sa ’king huling hininga

Pangakong andito lang, andito lang
Aalagaan kita
Pangakong andito lang, andito lang
Aalagaan kita

Sa dinami-dami ng pinagdaanan
Ikaw pa rin yung nais masamahan
Napakabuti mo lagi sa akin
Pagkain laging nakahain

‘Di ko maisip kung mangyayari
Kung sakaling mawala ka sa akin
Palagi ka na lang nakangiti
Sa tuwing ako’y kasama mo gabi-gabi

Lagi na lang akong nahuhumaling
‘Pag nakatitig sa akin
‘Di baleng mawalay handa kang hanapin
Tayo pa rin papalarin

Daghang pasasalamat sa pag-ibig mong ibinigay
Handa kang ipaglaban ‘di na ‘ko malulumbay
Andito lang ako palagi kang igagabay
Kahit ano mang pagsubok ‘di tayo maghihiwalay

Kasi sa dami naman ay tayong dalawa
Ang nagkakilala at ang nadarama
Ako’t ikaw ay tugma
At para sa ’kin wala nang hahanapin
Hanggang sa ’king huling hininga

Pangakong andito lang, andito lang
Aalagaan kita
Pangakong andito lang, andito lang
Aalagaan kita

Curiosidades sobre la música Nadarama del ALLMO$T

¿Quién compuso la canción “Nadarama” de ALLMO$T?
La canción “Nadarama” de ALLMO$T fue compuesta por Jomuel John Casem, Angelo Luigi Timog, Clien Kennedy Alcazar, Rocel Dela Fuente, In Bloom.

Músicas más populares de ALLMO$T

Otros artistas de Asiatic music