Di Na Mababawi

Rey Dilay

Ngayo'y aking inuunawang pilit
Mga pagkukulang kong iyong ginigiit
Sana'y malaman mo na tanging ikaw lamang
Ang aking iniintindi

Nakatanim pa sa'king ala-ala
Pangako mong mananatili ka
Kaya't paglisan mo'y naiwan ang pusong ito
Na ngayo'y bitin na bitin

Di mo na mababawi iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa

Nasa aking guniguni malamig mong tinig
Kasabay ng hanging na dumarampi
Na para bang ika'y nariyan sa aking paligid
Tahimik na nagmamasid

Di mo na mababawi iniwang sakit (oh)
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa (pinaasa)

Nahulog na'ng mga ulap buwan at araw mga bituwin (ah ah ah))
Ang ginugol na panaho'y na saan (panaho'y na saan)
Di ba't sayang naman (di ba't sayang naman)
Giliw yeah

Ngunit di mo na mababawi iniwang sakit (ah ah ah)
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa (pinaasa)
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa

Curiosidades sobre la música Di Na Mababawi del Alden Richards

¿En qué álbumes fue lanzada la canción “Di Na Mababawi” por Alden Richards?
Alden Richards lanzó la canción en los álbumes “Alden Richards - EP” en 2013 y “Alden Richards” en 2014.
¿Quién compuso la canción “Di Na Mababawi” de Alden Richards?
La canción “Di Na Mababawi” de Alden Richards fue compuesta por Rey Dilay.

Músicas más populares de Alden Richards

Otros artistas de Contemporary R&B