Noli

Mo Mitchell, Alas Alvarez, R-Ji Lim

Alamat, handa, 'rap

Suotin mo na ang saya na binigay ko sa iyo (uh)
O aking Maria hindi ka na pwede sa ‘kin malayo
‘Di ka nila makukuha sa akin
Ako'y siguradong ligtas ka sa piling ko
Andiyan na sila at galit na galit
Handa na akong sila'y gilitan ng leeg

‘Di na pupwedeng
Saktan ka nilang muli (oh)
Ako ang hinete
Tara, doon tayo sa malayo
Punasan ang luha
Hawakan ang aking kamay
Ang iyong ulo, sa 'kin idantay
‘Wag kang matakot
Ako'ng iyong gabay

Ika'y payapang nakatulog
Sa ‘king balikat at malayo sa bangungot
Habang sila'y gigil na maghanap
Sa 'ting mga bakas
Hindi ako makakapayag na tayo ay magwakas na

Oh, oh, oh, oh
Subukan ang magkamali
Iyan ang hindi n’yo gustong harapin
Oh, oh, oh, oh
O Diyos ko, ang akin ay akin

Ang akin ay akin at langit ang tanging saksi
Mga bituin ang nagsilbing tulay
Mahagkan ka lamang at makatabi
Milyong kilometro man layo mo sa ‘kin
Naging mapa ko na ang damdamin
Kasabay ang pag-ihip ng hangin
Pangalan mo ang bulong at sinasabi

Hawak na natin
Nobelang noo'y madilim (oh)
Biglang lumiwanag
Nu'ng natagpuan ka sa malayo
Punasan ang luha
Hawakan ang aking kamay
Ang iyong ulo sa ‘kin idantay
‘Wag kang matakot
Ako'ng iyong gabay

Ika'y payapang nakatulog
Sa ‘king balikat at malayo sa bangungot
Habang sila'y gigil na maghanap
Sa 'ting mga bakas
Hindi ako makakapayag na tayo ay magwakas na

Oh, oh, oh, oh
Subukan ang magkamali
Iyan ang hindi n’yo gustong harapin
Oh, oh, oh, oh
O Diyos ko, ang akin ay akin

Músicas más populares de ALAMAT

Otros artistas de Contemporary R&B