Akala Ko Tayo
Bakit ganto di ko alam kung ano
Kung ano ba ang dapat gawin
Pag nangulila na'y ganon padin
Ang sabi mo na hanggang dulo na to
Ngunit bat biglang nagka ganto
Ngayon ako nalang tumatakbo
Ba't nawalan ka ng gana
May nagawa ba ako na masama?
Sana sinabi mo sakin noon
Nang maayos to
Ba't ganto? ayokong maulit to
Nadala na ako sa pangako mo
Na wala man lang natupad
Ba't ganto? andito naman ako
Ginawa ang lahat di pa ba sapat?
Akala ko tayo na yun pala ay kayo
Naalala mo pa? nung una kang mahawakan
Ang haplos ng iyong kamay
Tila bang walang makakapantay
Sa iyong mga mata
Kinang ay kumupas na
Asan na ba? yung dating ikaw
Pag kailangan ka'y nariyan lang
Ba't nawalan ka ng sigla?
May nagawa ba akong di maganda?
Sana sinabi mo sakin ngayon
Nang maayos to
Ba't ganto? ayokong maulit to
Nadala na ako sa pangako mo
Na wala man lang natupad
Ba't ganto? andito naman ako
Ginawa ang lahat di pa ba sapat?
Akala ko tayo na yun pala ay kayo