Ang Tanging Ina N'yo

Hindi ko maintindihan kung ba't sila ganyan
Minsan kami'y nakikita't pinag uusapan
Kasalanan ko bang umibig at iwanan
Magkaroon ng anak na tangi naming yaman
Lahat ng hirap yata ay ginawa ko
Naging tindera na ako ng pirated sa kanto
Naging construction worker para lang mabuhay kayo
Naging inpersonator ang naging trabaho ko

Mahirap talagang maging isang ina
Mahaba dapat ang iyong pasensya
Pero kahit nandyan ang problema
Para sa anak lahat ay kayang kaya

Dahil ako ang
Tanging ina nyo na nagpapalit ng diapers nung bata pa kayo
Tanging ina nyo
Ang nag aalaga namamalantsa ng damit nyo nagpapaligo habang nagluluto ako nagpapakain nag aalaga sa inyo

Kinabukasan nyo ang laging iniisip ko
Ang mapag aral kayo hanggang sa kolehiyo
Magtinda man ako ng gulay isda at sago
Chicharon at balot ay gagawin ko
At kahit marami satin ang umaalipusta
Sabihin man nila lahat ang gusto nila
Dito sa puso ko'y pantay pantay ang nadarama bilang mga anak
Dahil ako ang inyong ina

Kayhirap kapag nag-iisa
Resposiilidad mo'y di basta-basta
Kuryente tubig bahay at sa kasira
Kung may sobra may baon sa eskwela

Dahil ako ang
Tanging ina nyo ang tumatayo bilang tatay at nanay nyo
Tanging ina nyo na nagpapatawa kapag nalulungkot kayo
Nasasaktan pag di naibigay ang gusto nyo mga kailangan

Tanging ina nyo na handang magtanggol pag inaapi kayo
Tanging ina nyo na ibibigay kahit buhay ko sa inyo
Anuman ang mangyari nandirito ako handang gawin

Tanging ina nyo
Tanging ina nyo
Tanging ina nyo ako
Tanging ina nyo

Músicas más populares de Ai-Ai delas Alas

Otros artistas de Dance pop