Tropamilya

Genesis Lago, Lou Ashley Isidro, Dan Gerald Saribay, Paulo Cernal Manlod, John Jeremy Ganzon, Playboi Beats, Brian Luna

Matagal tagal na din pinagsamahan, Dami na nangyari, Pero di na bale patuloy umabante dami nang bagahe, Balang araw at malulunasan, Kahirapan, Kamalayan mo ang kayamanan

Bestfriend o tropa di lang kasama sa toma.
Kasabay ko sa gulo hangang sa tawag na ay kosa.
Pag usapan na pangarap lahat ay na lulula.
Seryoso rin sa buhay dilang sa hiram na tama.

Nag sasama mahaba pa byahe di mag sasawa.
Hanggang sa humantong meron ng anak at asawa.
Maganda na bahay mahal na kotse na magara.
Magandang kalusugan at buhay na masagana.

Payapa rin naman ang aking hiling.
Kaligtasan ng bawat isa ay sana dinggin.
Itong awit ng barkada ay iyong damahin.
Mag bigay inspirasyon sa nakikinig rin

wala ng balak huminto manhid na to sa sakit
ano man ang makamit hindi ko ren hinahapit
kinabisado ko onti onti hanggang makalabit
dumami man aking pasan ako paren mag bibitbit

ako parin mag dadala san man ako makarating
gusto ko rin maipanalo mga laban dinaig
ay ang sarili ko lang den, sa tunay lang nakikinig
salamat den sa pag tuwid para ako'y makatawid

yun paren mga kasama mula una palang
kahit lubog mangyare sa'men laging pumapalag
mapabuti sitwasyon yun lang ang hinahangad
musika pamilya hilig dun lang lagi nag babad

Matagal tagal na din pinagsamahan, Dami na nangyari, Pero di na bale patuloy umabante dami nang bagahe, Balang araw at malulunasan, Kahirapan, Kamalayan mo ang kayamanan

Matagal tagal na din pinagsamahan, dami na nangyare, pero di na bali
patuloy umabante, balang araw ay malulunasan, kahirapan, kamalayan mo ang kayamanan

Ang bilis ng panahon ano na ang lagay
Madalas tuliro at hindi mapalagay
Ang daming sumubok pero sumablay
naka sakay sa alon walang makasabay

yoko ng umaray yeah hindi na ulit nasanay nalang pero hindi pa huli gusto ko pang may magbago sumubok ulit
hindi nananawa sa kakukulet

kahit gano kagipit kapag sumulat punit
madidinig mo sa net, habang nagpapagupit nagpapasingket, mga likha na musika nakakasagip, binuhos ko na dito natitirang bait

daang lubak ang nilalakad
madalas din na gawi lumipad
mga bawal pinakalat nasaid
sinagad sunod sa tama
tinawanan ko nalang
kung panay alat ang mga nakaraan
di na para balikan
mabuti at alam ang dahilan
kaya iniiwasan ko na ang?
mainam ng kunyare 'lang alam
bibig tikom ang t'yan di nakalam
gumagaan gaan gayon pa man
iba ang gigil na pag ka ramdam
naaatat natatakam kung minsan
man hindi alam ngunit tinutuloy nalang
butas bulsa gawa ng paraan
hanggang mag ka laman

Matagal tagal na din pinagsamahan, Dami na nangyari, Pero di na bale patuloy umabante dami nang bagahe, Balang araw at malulunasan, Kahirapan, Kamalayan mo ang kayamanan

Matagal tagal na din pinagsamahan, dami na nangyare, pero di na bali
patuloy umabante, balang araw ay malulunasan, kahirapan, kamalayan mo ang kayamanan

Dami mang nangyare, tanaw ang bahaghari, dami mang mali pag-ibig ang namumutawi, nawa'y baka sakaling meron mapuntahan sakripisyo ko at paghihirap na inilaan, kala ko nung una di makakayanan, mga pangyayaring di ina-asahan, kahirap tapos ko nang malasahan panahon na upang makamtan kaginhawaan, yeah ooooh ooh panahon na para makamtan kaginhawaan

Músicas más populares de 1096 Gang

Otros artistas de Asiatic music